REGION XI: ANG PINAKA
Ang IDYOLEK o Individual Dialect ang natatanging paraan ng pagsasalita o pagsulat ng tao na nagsisilbi niyang pagkakakilanlan. Ito ay ang pansariling paraan ng pagsasalita.
Ngayon at nalaman na natin ang kahulugan ng IDYOLEK, samahan ninyo akong alamin ang mga pinakakilalang personalidad na nakilala dahil sa kanilang idyolek na nagmula sa rehiyong XI o Davao Region.
MGA NATATANGING TAO
Si Rafael Teshiba Tulfo, (ipinanganak noong Marso 12, 1960), mas kilala bilang Raffy Tulfo o Idol Raffy, ay isang politiko, broadcast journalist, at media personality. Siya ay kasalukuyang humahawak sa posisyon ng isang Senador sa Pilipinas at miyembro din ng Senate Electoral Tribunal.
Si Raffy Tulfo ay nakilala dahil sa kaniyang noontime newscast na Raffy Tulfo in Action. Siya ay mas nakilala sa kanyang paraan ng pamamalita. Ang kanyang tono at boses ay isa sa dahilan kung bakit siya nakilala. Siya ay may kasabihang "Raffy Tulfo po mga Pilipino" sa programang Raffy Tulfo in Action.
Si Alejandro Ilagan Atienza, kilala rin bilang Kuya Kim, ay isang host sa telebisyon, aktor, at dating pulitiko. Dati siyang kasama sa pag-uulat ng lagay ng panahon sa "Weather-Weather Lang," isang segment ng TV Patrol ng ABS-CBN.
Siya ay nakilala sa kaniyang paraan ng pagbabalita, boses, at tono ng pananalita. Siya ay may sikat na kasabihan “Ang Buhay ay Weather Weather lang.”
Si José Marie Borja-Viceral-Perez, na mas kilala bilang Vice Ganda, ay ipinanganak noong 31 Marso 1969. Siya ay isang sikat na gay comedian, pilantropo, at isang permanenteng host sa Showtime, na isang sikat na palabas sa ABS-CBN. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang tagumpay, kasalukuyan siyang nahaharap sa batikos mula sa ilan sa kanyang mga tagasunod dahil sa nakakahiyang istilo na ginagamit niya sa kanyang mga biro.
Kilala ang kanyang pagbati sa mga manonood ng It’s Showtime na “What’s up Madlang People!” Siya rin ay kilala dahil sa kaniyang kagalingan magpatawa sa mga manonood. Ang kanyang pagiging masiyahin o pagkakaroon ng high energy ay nagpasikat rin sa kaniya
Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao Sr.,na kilala rin bilang Pacman, ay isang Pilipinong propesyonal na boksingero at politiko. Siya ang naging unang kampeon sa walong dibisyon, nanalo ng sampung titulo, at ang unang nakamit ang tagumpay ng Lineal Championship sa limang natatanging dibisyon.
Siya ay may kakaibang tono at paraan ng pananalita. Siya ay may may gumagamit ng wikang Cebuano at ang accent o punti ng pananalita. Kung kaya’t may mga taong pinagtatawanan si Manny Pacquiao dahil hindi sila pamilyar sa pananalita nito. Siya rin ay may sikat na kasabihang “Para sayo ang laban na ito.” Itong linya na ito ay ginawan niya ng kanta na may titulo na “Para Sa’yo Ang Laban Na’To”
Comments
Post a Comment