LANGUAGE DISCRIMINATION
Ang wika ay ginagamit ng buong mundo upang magka-unawaan at magkaintndihan. Maituturing na yaman ng pilipinas ang pagkakaron ng 130 wika, at ang wikang Filipino ang tinaguriang pambansang wika ng ating bansa.
Sa panahon ngayon, karamihan sa mga pilipino ay mas tumatangkilik sa banyagang wika, lalo na ang wikang Ingles. Isa ito sa mga dahilan ng pagkalimot sa katutubong wika ng Pilipinas.
Dahil sa pagkakaroon ng diskriminasyon, marami ng wika sa Pilipinas ang natabunan na at nakalimutan.
ANO ANG LANGUAGE DISCRIMINATION?
Ang Language Discrimination ay nangyayari kapag ang isang tao ay tinatrato nang iba dahil sa kanyang sariling wika o iba pang mga katangian ng kanyang mga kasanayan sa wika.
LABANAN ANG LANGUAGE DISCRIMINATION
Malalabanan natin ang Language Discrimination sa pagkakaroon ng respeto sa lahat ng tao, kahit ano pa man ang lengguwahe na kanilang ginagamit. Tanggapin natin na lahat ng tao ay may iba’t ibang punto ng pananalita. Maaari nating labanan o maiwasan ang language discrimination sa pamamagitan ng pagbibigay kamalayan sa mga ibang tao na mali ang kanilang ginagawang panghuhusga sa pananalita ng iba na maari silang makasakit ng kapwa sa pag pintas nila kung paano mag salita ang mga tao na hindi sanay sa lengguwaheng kinalakihan nila.
DAGDAG KAALAMAN
Isa sa mga naging paraan upang maisabuhay ang mga wika sa ating bansa ay ang pag diriwang ng Buwan ng Wika kada taon sa buwan ng Agosto. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nabibigyang halaga ang mga katutubong wika sa ibat-ibang lugaw sa ating bansa.
Bukod sa mga wika na marami ang gumagamit gaya ng Cebuano, lloko, at Bikol, tahanan din ang Pilipinas ng mga wika gaya ng Ivatan a gamit sa Batanes, Kinaray-a sa Antique, at Sama sa Tawi-Tawi.
Mahalagang alagaan ang mga wikang katutubo, na kabilang din sa mga pinagbabatayan ng pambansang wika na Filipino, Nais kong pagpugayan at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang mahigit 130 katutubong wika ng Pilipinas, dahil kung wala ang mga ito, hindi mabubuo ang history ng ating bansa at hindi kumpleto ang kasaysayan ng Pilipinas kung wala ang mga kultura at wikang pinag-ugatan ng bawat rehiyon ng ating bansa
Comments
Post a Comment